Q: Ano ang pera? Bakit ganito na lamang ang halaga niya sa tao?
A: Ang Pera ay sobrang halaga sa ating mga tao. Dahil
sa pera buhay tayo ngayon. Marami ang nagsasabi na kapag wala kang pera ikaw ay walang patutunguhan. wala kang panggastos, pambili ng iyong mga kailangan. para sa akin mahalaga ang pera dahil dito tayo nabubuhay, dito tayo umaasa. pero may mha tao na kahit walang pera ay masaya pa din ang buhay nila. siguro dahil di sila nagpapasakop sa pera. maraming tao din ang bulag sa pera. Mapanukso talaga ito at makasalanan lalu na kung ang buhay naman natin ay sobrang kahirap hirap. Minsan naisip ko na ang swerte ko pa din kahit na di ganun kadami ang pera ko, dahil panu pa kaya ang kapos sa pera panu sila nabubuhay? samantalang ako kahit na nasa gitna lamang kapag wala akong pera parang pasan ko na ang daigdig. di man naging marangya ang buhay ko masaya pa din ako sa konting pera na nahahawakan ko. kahit na di ko mabili ang gusto ko, kahit na di ako makapunta sa mga lugar na naisin ko, sa mga pagkaing gusto kong tikman at buhay na gusto kong maranasan, mapalad pa rin ako dahil ako ay buhay at sa mundong ito na aking tinatapakan maswerte pa din ako at ako ay nabubuhay at kahit di ganun kaganda ang aking tirahan kahit papano meron pa din akong masisilungan. Bilib ako sa mga taong mahihirap dahil kahit anung problema ang kanilang nararanasan nakukuha pa rin nilang ngumiti at tumayo sa buhay. Ilang dagok, problema at pagsubok man ang dumating tumatayo pa din silang nakataas ang mga noo at kahit kailan di sila sumusuko sa hamon ng buhay. Tuloy ang buhay sa kanila, maski sa ganyang sitwasyon, masayang mabuhay kahit KAPOS SA PERA...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment